Hindi pa tiyak si Senator Grace Poe kung kakandidato siya para sa re-election sa halalan sa susunod na taon, kahit pa lagi siyang nangunguna sa mga survey.

Ayon kay Poe, kung sakali man na tumakbo siya, magiging independent siya, gaya ng ginawa niya noong 2013 elections, nang maging guest candidate siya ng Liberal Party (LP).

Aniya, ang kanyang magiging desisyon ay kailangan pa nilang pag-usapan ng kanyang asawang si Atty. Neil Llamanzares, na ayon sa kanya ay na-trauma nang matalo siya sa pagkandidatong presidente noong 2016.

“It’s a personal reason for me. I have to talk to my husband about this. I have to talk to my God and I have to talk to my mom, and definitely my husband. I think, more than us, I think he’s traumatized by what happened during the last elections,” ani Poe.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Sa ngayon, aniya, ay nagpapaabot siya ng pasasalamat sa kanyang mga tagasuporta, partikular matapos siyang manguna sa senatorial surveys ngayong linggo.

-Leonel M. Abasola