SA pag-aaral na inilathala nitong Lunes sa journal na JAMA Pediatrics, inihayag dito na ang mga sanggol na maagang pinakain ng solid foods ay mas malaki ang posibilidad na makatulog nang mas maaga, mas matagal, at madalang lang kung magising sa gabi, kaysa mga sanggol na gatas lang ng kanilang ina ang kinokonsumo, sa loob ng anim na buwan.

Pinag-aralan ng mga mananaliksik mula sa King’s College London at St. George’s University of London ang 1,303 exclusively breastfed three-month-old na sanggol mula sa England at Wales, at hinati ang mga ito sa dalawang grupo.

Nanatili ang isang grupo ng mga sanggol na ekslusibong gatas lang ng kanilang ina ang sinususo, sa loob ng anim na buwan. Ang pangalawang grupo naman ay hinayaang kumain ng solid food, kasabay ng pagsuso, mula tatlong buwan.

Napag-alaman sa pag-aaral na ang mga sanggol na na-introduce sa solid food ay mas mahaba ang tulog at madalang na magising kung gabi, kaysa mga sanggol na eksklusibong sumususo sa ina, hanggang sa kanilang ikaanim na buwan.

Eleksyon

PBB eviction parang eleksyon daw: 'B*bo bumoto ng mga tao!'

Tungkol naman sa epekto nito sa wellbeing ng mga ina, mas nakakatulog nang mas maayos ang mga ina na nagtangkang pakainin ng solid food ang kanilang mga sanggol, kaysa nasa kabilang grupo.

Ang resulta ng pananaliksik na ito ay sumusuporta sa pananaw ng mga magulang na ang pagkain ng solid food para sa mga sanggol ay nakapagpapahusay ng pagtulog, ayon kay Gideon Lack, ang pangunahing awtor ng pag-aaral, katuwang ang King’s College London.

PNA