Inihayag ng Malacañang na magpapalabas ito ng Executive Order (EO) ng mga isinapinal na guidelines para sa pagsasagawa ng localized peace talks sa bansa.

Ito ang kinumpirma ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos na magpatawag si Pangulong Duterte bng special meeting sa security, peace, at justice clusters ng Gabinete sa Malacañang, nitong Miyerkules ng gabi.

Tinalakay ng Pangulo sa Gabinete ang pagsusulong ng localized peace talks matapos na sabihin ni Communist Party of the Philippines (CPP) founder Joma Sison na hindi na sila makikipag-usap sa pamahalaan hanggang si Duterte ang presidente ng bansa, at sa halip ay susuportahan na lang ang panawagang patalsikin ito sa puwesto.

Sa press briefing kahapon, sinabi ni Roque na ang localized peace talks ay resulta ng napagkasunduan sa pulong ng Gabinete noong nakaraang linggo, kasunod ng nasabing pahayag ng CPP.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Batay sa napagkasunduan, pahihintulutan ng gobyerno ang mga lokal na opisyal na magsagawa ng localized peace talks alinsunod sa binuong guiding framework para rito.

-Argyll Cyrus B. Geducos