Isang hindi pa nakikilalang carnapper ang napatay ng mga pulis matapos umano nitong hagisan ng granada ang isang checkpoint sa Barangay San Placido, Roxas, Isabela, nitong Miyerkules ng gabi.

Sa salaysay ni Chief Inpector Engelbert Bunagan, chief of police ng Roxas, nagsasagawa sila ng anti-criminality at anti-carnapping checkpoint sa national highway sa nabanggit na bayan nang maharang nila ang suspek na sakay sa itim na motorsiklo, dakong 11:30 ng gabi.

Gayunman, biglang itong bumuwelta upang takasan ang mga pulis.

Sa paghabol ng mga pulis sa suspek, hinagisan umano sila nito ng granada at sumabog at masuwerteng walang nasaktan.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nagtangka pa umanong ihagis ng suspek ang ikalawang granada, ngunit napigilan nang paputukan ng mga pulis na naging sanhi ng pagkamatay nito.

Sa pagsisiyasat, natuklasan na nakaw ang motorsiklong gamit ng suspek.

-Liezle Basa Iñigo