Mahigit 40 contractor na nasa likod ng naantalang 400 infrastructure projects ng gobyerno ang nanganganib na masuspinde at kalaunan ay ma-blacklisted, ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar.Dahil sa pagkaantala ng mahigit 400 proyekto, ayon kay Villar, nasa kabuuang 43 contractors ang masususpinde.

“Nasimulan na namin ‘yung proceedings for suspensions of 43 contractors for more than 400 projects. So, tututukan namin ‘yung implementation ng project and kasama ito sa programa ng DPWH para ma-improve ‘yung implementation ng mga proyekto,” sambit ni Villar sa mga mamamahayag sa ocular inspection para sa mga tulay sa Intramuros, nitong Miyerkules.

Ang mga contractors ay “eventually blacklisted,” matapos ang proceedings, dagdag ni Villar.

Isiniwalat ni Villar na ang 43 contractors “have been identified through a software the agency has put up to monitor the implementation of projects.”

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Aniya pa, ang mga contractor na ito ay nadiskubreng may “huge slippage” sa mga proyektong kanilang ipinatutupad.

“In fact we measure the percentage of delays. Kapag 15 percent (delayed) critical na ‘yun,” ayon kay Villar.

“So, in that point we require them to come up with an action plan in an exactable time period. Kung hindi nila magawa ‘yung action plan, ica-cancel na namin ‘yung kontrata. Then we have to continue with the project, ipapa-bid namin sa iba,” dagdag ni Villar.

Ipinagdiinan niya na kapag nadiskubre ng ahensiya na may anomalya sa proyekto, “they act on it rightaway by canceling the contract and then awarding it to another in order to continue the project so as not to cause more delays.”

-Betheena Kae Unite