Pinatawan ng P10-milyon multa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang ride-sharing company na Grab Philippines, dahil umano sa labis nitong paniningil sa mga pasahero kaugnay ng ipinatutupad nitong P2 per minute fare component.

Sa kautusang inilabas, na may petsang Hulyo 9, 2018, pinagbabayad ng P10 milyon ang My Taxi.PH, Inc. (Grab), dahil ang pagpapatupad nito ng travel fare rate ay “invalid and without authority from the Board, for which the Respondent is to suffer its consequences.”

“If we are to compute the penalty for each case of overcharging under Joint Administrative Order no. 2014-001 in the amount of P5,000, and disregarding the repeat violation committed which would result to progressive rate of penalty, and multiplying the same to the number of successful rides which charged the unauthorized time rate charge of P2 per minute, the penalty imposable will amount to trillions of pesos,” saad sa kautusan.

Bukod sa multa, iniutos din ng LTFRB na ibalik sa mga pasahero ang P2 siningil ng Grab simula noong Hunyo 5, 2017 hanggang nitong Abril 19, 2018 sa pamamagitan ng rebates, na maaari umanong makuha 20 araw matapos maisapinal ang desisyon.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

-Alexandria San Juan