Matthysse, kayang ma-TKO ni Pacman – Bong Go

SA pagsabak ni Manny Pacquiao para sa minimithing bagong titulo, kasama niya ang sambayanan, sa pangunguna ng Pangulong Rodrigo Duterte.

MASAYANG nakikipag-usap si Pacman matapos ang huling ensayo sa General Santos City bago tumulak patungong Malaysia kahapon, habang masaya siyang sinalubong ng mga tagasuporta. (MP PROMOTIONS)

MASAYANG nakikipag-usap si Pacman matapos ang huling ensayo sa General Santos City bago tumulak patungong Malaysia kahapon, habang masaya siyang sinalubong ng mga tagasuporta. (MP PROMOTIONS)

Ikinatuwa ni Pacquiao ang balita mula kay Ambassador of the Philippines to Malaysia Charles Jose na darating ang Pangulong Duterte para personal na panoorin ang laban ng ‘Pambansang Kamao’ laban kay World Boxing Association welterweight champion Lucas Matthysse ng Argentina sa Linggo (Hulyo 15) sa Axiata Arena sa Kuala Lumpur, Malayia.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ayon kay Jose, makikipagpulong ang Pangulo sa bagong halal na Malaysian Prime Minister Mahatir Mohamad. At personal nitong sasaksihan ang pagukit ng kasaysayan ni Pacquiao matapos ang pulong.

“He disclosed to the media that he will be coming here to watch the fight, after meeting Prime Minister Mahatir,” pahayag ni Jose.

Kasama ng Team Pacquiao ang kanyang pamilya at ilang miyembro ng media sa pagdating sa Kuala Lumpur Lunes ng gabi.

“Happy ako kasi andito silang lahat, lahat ng anak ko, lahat ng pamilya ko andito lahat, pati sa side ng asawa ko, side ko, andito rin lahat,” pahayag ni Pacman.

Kumpiyansa naman si Special Assistant to the President Secretary Christopher Lawrence ‘Bong Go na mapapahalik sa lona ni Pacquiao ang Argentinian champion.

“Both are champions in their own right at parehong may knock out punching power.Pero iyong istilo ni Matthysse ay swak sa system ng pambato natin. It will be Pacquiao via knockout victory inside 12 rounds,” pahayag ni Go na isang certified sports enthusiast bukod sa pagiging taal na public servant.

“Our fighting Senator will bring home the crown for the Filipinos.”

Ang magkabilang kampo ay kapwa nag-predict ng kumbinsidong panalo at hindi sa pamamagitan ng puntos.