GEN. TINIO, Nueva Ecija - Nanawagan ang pamilya ng napaslang na si Gen. Tinio, Nueva Ecija Mayor Ferdinand Bote kay Pangulong Rodrigo Duterte ng hustisya.

S a i s a n g p a g p u p u l o n g pagkatapos ng libing ng kanyang ama, nanindigan si Dino Bote na hindi sila papayag na hindi mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ng alkalde. “Hindi kami papayag na hindi managot ang nasa likod ng pamamaslang sa aking ama,” diin ng anak ni Bote.

Ayon sa kaanak ng alkalde na si Ex-Mayor Virgilio Bote, kilala na nila ang responsable sa pagpatay kay Bote. “Alam na namin kung sino ang pumatay kay Mayor Ferdie, at kilala na rin maging ng aming mga kababayan,” sabi nito.

“We have also sought the help of Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go for the immediate arrest of the suspect,” sabi ni nito.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Naniniwala rin si Virgilio na pinatay ang alkalde dahil sa pulitika.

“Ti t iyakin po namin na makukulong siya,” dagdag pa niya

-ARIEL P. AVENDAÑO