Nasa 327 katao ang hinuli ng mga pulis nang lumabag ang mga ito sa ordinansa sa pitong lungsod at bayan sa katimugan ng Metro Manila, sa nakalipas na magdamag.

Sa ulat ng Southern Police District (SPD), ipinatupad ng mga pulis ng Pasay, Makati, Parañaque, Las Piñas, Muntinlupa, Taguig City at Pateros ang nasabing ordinansa simula dakong 10:00 ng gabi hanggang 5:00 ng madaling araw, kahapon.

Sa na tur ang bi l ang, na s a 5 3 indibiduwal ang dinampot dahil sa pag-iinom ng alak sa kalye; 10 ang nakahubad baro; 155 lumabag sa cufew; 101 ang naninigarilyo; lima ang umiihi sa bangketa; at tatlo naman ang inarestong illegal barker.

Agad isinailalim sa beripikasyon at dokumentasyon ang mga lumabag sa ordinansa bago pinakawalan ng awtoridad.

National

‘Naka-red alert!’ PSC, dinoble seguridad ni PBBM matapos ‘assassination threat’ ni VP Sara

-Bella Gamotea