Pansamantalang inihinto ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagbibigay ng educational assistance sa mahihirap, dahil halos masaid na umano ang pondong inilaan ng kagawaran para sa panahon ng krisis.

HINAY-HINAY LANG! Tinangka ng mga security personnel na payapain ang mga tao na nagpupumilit pumasok sa compound ng Department of Social Welfare and Development, para sa aplikasyon ng P3,000 educational assistance ng kagawaran, sa Quezon City kahapon. (MARK BALMORES)

HINAY-HINAY LANG! Tinangka ng mga security personnel na payapain ang mga tao na nagpupumilit pumasok sa compound ng Department of Social Welfare and Development, para sa aplikasyon ng P3,000 educational assistance ng kagawaran, sa Quezon City kahapon. (MARK BALMORES)

Inihayag ng DSWD Central Office sa Quezon City ang pagsuspinde sa educational assistance na nasa pamamahala ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) upang magbigay-daan din sa probisyon ng medical, burial at funeral assistance.

“We sincerely apologize to our clients seeking for educational assistance because we can no longer accommodate their requests. The budget of the Central Office for the AICS program has already been depleted and we need to request for additional budget to finance the program,” paliwanag ni DSWD Secretary Virginia Orogo.

National

PNP, nakasamsam ng tinatayang <b>₱20B halaga ng ilegal na droga sa buong 2024</b>

Hinikayat niya ang mga kliyente na humingi ng tulong sa kanilang mga lokal na pamahalaan lalo dahil sila ang pangunahing nakamandato sa pagbibigay ng direktang serbisyo para sa kanilang mga nasasakupan.

Iginiit pa ni Orogo na dinadagdagan lang ng DSWD ang pondo ng lokal na gobyerno at pumapasok lamang ang ahensiya kung mauubos na ang pondo ng mga lokal na pamahalaan.

Samantala, sinabi naman ni DSWD Undersecretary for Protective Operations and Programs Group Mae Fe Templa na ginagawa ng kagawaran ang lahat upang maibigay ang nakasaad sa probisyon na educational assistance para sa mga pumipila sa Central Office.

“Requests for educational assistance for elementary students have already been processed last week and high school students will be processed only this week, while those for state universities and college will be processed as soon as possible,” aniya.

Nitong Hunyo 25-29, nasa 2,128 kliyente na ang nabigyan ng serbisyo ng DSWD para sa educational assistance na nagkakahalaga ng P8,838,500.

-Ellalyn De Vera-Ruiz