MUKHANG magkakabalikan na sina Alyanna (Yassi Pressman) at Cardo (Coco Martin), base sa umeereng kuwento ngayon ng FPJ’s Ang Probinsiyano, dahil unti-unting napapalapit muli ang kalooban ng una sa asawa.

Yassi at Coco

Ito rin naman talaga ang gustong mangyari ni Cardo, na magkasama muli sila ni Alyanna sa lugar na walang nakakakilala sa kanila, para walang istorbo. Pero mukhang lapitin talaga ng gulo ang una, dahil si Joross Gamboa naman ang makakasagupa niya dahil kay Alyanna.

At kung sweety-sweety sina Cardo at Alyanna ay nababaliw na naman si Marco (JC Santos), na fiancé naman ng huli, na inakalang itinatago sa kanya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Anyway, trulili kaya na hanggang Pebrero 2019 pa ang Ang Probinsiyano, at hindi hanggang Setyembre 2018, gaya ng unang napaulat?

Ang hirap nga naman tapusin ang seryeng parating nasa 40 plus ang ratings.

Samantala, may mga nagsabing gusto na namang pahirapan ni Coco ang sarili dahil pagsasabayin na naman niyang gawin ang serye at ang pelikula nila ni Vic Sotto, na kasali sa Metro Manila Film Festival ngayong December, ang Popoy en Jack: The Pulisincredibles. Mismong si Coco ang direktor ng nasabing pelikula.

Oo nga, tanda namin na sinabi noon ni Coco sa presscon ng Ang Panday na mahirap palang mag-direk ng fantaserye, habang umaarte siya sa kasabayan nitong aksiyon serye niya.

Well, hindi naman gagawin ito ng aktor kung alam niyang hindi niya kayang tapusin.

-Reggee Bonoan