Batang Gilas, naghabol, naibaon sa kabiguan ng Croatia

ARGENTINA – Tulad ng inaasahan, nagpamalas ng matikas na laro si Kai Sotto, ngunit hindi sapat ang katatagan ng 7-fot-1 forward para maisalba ang Batang Gilas laban sa 10th-ranked Croatia sa opening game ng 2018 FIBA Under- 17 World Cup nitong Linggo.

KUMIKIG, ngunit kinulang ang Batang Gilas sa opening match ng FIBA Under-17 World Cup

KUMIKIG, ngunit kinulang ang Batang Gilas sa opening match ng FIBA Under-17 World Cup

Hataw ang 16-anyos behemoth sa naiskor na 23 puntso at 12-rebound, ngunit mas nakaungos ang Croatians bilang isang koponan para maitarak ang 97-75 decision sa Newell’s Old Boys sa Argentina.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Maagang naghabol ang Filipinos, ranked 34th sa mundo, sa 0-8 at sa kabilan ng impresibong all-around game ni Sotto at hindi nakaalpas at pantayan ang bilis at lakas ng Croatian team.

Huling nakadikit ang PInoy sa 47-55 bmula sa three-pointer ni Terrence Fortea sa kalagitnaan ng third quarter, nguniot mabilis na nakabawi ang Croatia at nagbaba ng 16-2 blast para tuluyang ibaon ang Batang Gilas.

Nag-ambag si Fortea ng 14 puntos, habang kumana sina big men Carl Tamayo at Raven Cortez ng 25 puntos at 11 rebounds.

Nanguna si Mated Rujan sa Croatia sa naiskor na 16 puntos, apat na rebounds, at tatlong assists, habang umiskor si Matej Bosnjak ng 14 markers.

Sunod na haharapin ng Batang Gilas ang seventh-ranked France sa Lunes.