TOKYO (AFP) – Kinansela ng 84-anyos na si Emperor Akihito ng Japan ang kanyang official duties nitong Lunes matapos magkasakit, inilahad ng tagapagsalita ng pamahalaan.
Sinabi ni Yoshihide Suga sa mga mamamahayag na si Akihito ‘’had a sudden feeling of sickness and heavy sweating’’ dakong madaling araw at kaagad na ipinatawag ni Empress Michiko ang doktor ng palasyo.
Ayon sa pagsusuri ng doktor, ang emperor ay mayroong ‘’symptoms of vertigo and nausea due to cerebral anemia, which require a complete rest and follow-up checks,’’ ipinahayag ni Suga, chief cabinet secretary, sa regular press conference.
Ang cerebral anemia ay isang kondisyon na bunga ng kakulangan ng blood flow sa utak.