Umaaray na naman ang mga motorista sa panibagong oil price hike na ipatutupad sa bansa simula bukas.
Sa pahayag ng Seaoil, Pilipinas Shell, at Flying V, epektibo dakong 6:00 ng umaga bukas, Hulyo 3, ay magdadagdag ito ng 70 sentimos sa kada litro ng kerosene, 65 sentimos sa gasolina, at 55 sentimos naman sa diesel.
Asahan na ang pagsunod ng iba pang kumpanya ng langis sa katulad na dagdag-presyo sa petrolyo, na bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.
Hunyo 26 huling nagpatupad ng big-time oil price rollback ang mga kumpanya ng magdagdag ng P1.15 sa gasolina, 90 sentimos sa diesel, at 85 sentimos sa kerosene.
-Bella Gamotea