EASTBOURNE, England (AP) — Umusad si top-seeded Caroline Wozniacki sa Eastbourne International final – sa ikatlong pagkakataon – matapos gapiin si dating No. 1 Angelique Kerber 2-6, 7-6 (4), 6-3 nitong Biyernes.

Sunod na makakaharap ni Wozniacki ang unseeded na si Aryna Sabalenka ng Belarus, nagwagi kay 2008 champion Agnieszka Radwanska 6-3, 1-6, 6-3, sa hiwalay na semifinals.

Magtutuos naman sa men’s finals sina unseeded Lukas Lacko at Mischa Zverev.

Naisalba ni Wozniackiang match point sa 5-6 sa second set matapos ang makapigil-hiningang 24-shot rally, bago tuluyang manaig matapos ang dalawang oras at 17 minuto.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

“That was very tough,” sambit ni Wozniacki. “I was down match point and I think I got a little lucky hitting both lines, and then I somehow managed to get through.

“I always have tough matches against Angie, and I knew it wasn’t going to be an easy one today,” aniya.

Umabante naman si Sabalenka sa ikatlong career final mula nang matalo sa Tianjin sa nakalipas na taon at Lugano nitong Abril.