Mga Laro Ngayon

(Filoil Flying V Center)

1:00 n.h. -- IEM vs Army (men’s)

4:00 n.h. -- BanKo-Perlas vs PetroGazz (women’s)

PBA 4-point shot, ekis kay 7x NBA Champion Robert Horry

6:30 n.g. -- BaliPure vs Tacloban (women’s)

PORMAL na kumpletuhin ang Final Four casts sa Premier Volleyball League (PVL) 2 Reinforced Conference ang tatangkain ng BanKo Perlas sa pagsabak kontra PetroGazz ngayong hapon sa pagtatapos ng quarterfinals sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Nagtapos na ang kampanya ng defending champion Pocari-Air Force sa pamamagitan ng 25-22, 25-17, 25-20 panalo kontra Tacloban Fighting Warays nitong Sabado upang umangat sa markang 4-1.

Ngunit, kinakailangan pa ng Lady Warriors na hintayin ang resulta ng laban ng wala pang talong Perlas Spikers (4-0) at Angels (3-1) upang malaman kung sino ang uusad ng semifinals kasama ng mga outright qualifiers Creamline at PayMaya.

Kung magwawagi ang BanKo-Perlas, sila ng Lady Warriors ang uusad ng semis.

Ngunit, kung mananalo ang PetroGazz sa straight set , sila ang kokopo ng ikatlong semifinals berth at magduduwelo ang Pocari at Banko-Perlas para sa huling semifinals slot sa isang winner take all match sa Biyernes.

Pero kung abutin ng limang sets ang panalo ng PetroGazz, ang BanKo-Perlas ang aangkin ng ikatlong semis spot at ang Angels ang sasagupa sa Lady Warriors sa playoff para sa pang-apat na slot.

Bagamat di pa natatalo sa quarterfinals, inaasahang bibigyan ng matinding laban ng Angels na manggagaling naman sa tatlong sunod na panalo matapos mabigo sa unang laban nila sa quarters upang ipaglaban ang tsansa nilang pumasok ng semis.

Magtutuos ang Banko-Perlas at Petrogazx ngayong 4:00 ng hapon matapos ang unang laban sa pagitan ng Instituto Esthetico Manila at Philippine Army sa men’s division ganap na 1:00 ng hapon.

Samantala, magtutuos naman sa isa ng no bearing game ang Balipure at Tacloban ganap na 6:00 ng gabi.

-Marivic Awitan