Naghihimas ng rehas ang isang lalaki na inireklamo ng pangmomolestiya sa isang 13- anyos na babae sa Pateros, nitong Lunes ng madaling araw.

Kinilala ang suspek na si Monteroso Ecle y Romeo, nasa hustong gulang, ng Barangay Del 96, sa Pateros.

Sa ulat ng Pateros Station Police, naganap ang insidente sa loob ng bahay ng biktima, 13, sa Bgy. Martirez Del 96, dakong 5:00 ng madaling araw.

Pinasok umano ni Ecle ang biktima sa kuwarto at hinipuan sa maseselang bahagi ng katawan.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nagsisigaw ang biktima at tuluyang naaresto si Ecle.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Acts of Lasciviousness in relation to Child Abuse Law (RA 7610).

-Bella Gamotea