KUNG si coach Tab Baldwin ang tatanungin, mas nanaisin niyang makaranas ng kabiguan ang kanyang Ateneo de Manila Blue Eagles sa serye ng mga larong sasabakan nila sa bansang Greece.

Ngunit, pinatunayan ng defending UAAP champion Blue Eagles na kaya nilang makipagsabayan sa mga mga local rivals.

Nitong nakaraang Linggo ng umaga isang buzzer beater triple ang ipinukol ni Thirdy Ravena upang ipanalo ang Ateneo, 84-82, kontra sa Greece’s Under 21 National Team sa Olympic Stadium sa Athens, Greece.

Ang Greece U21 squad ang defending champions ng FIBA Europe U-20 championship at pinapangunahan nina Most Valuable Player Vasileios Charalampopoulos at Mythical Team member Antonis Koniaris.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Naiiwan ng isa, 81-82, at wala ng nalalabing timeouts, nakita ni Matt Nieto ang libreng si Ravena sa ibabaw ng 3-point arc na agad namang ibinato ang bola bago tuluyang maubos ang oras.

“Playing the U21 National team inspires us further as we represent the Filipinos here in Athens and back at home. This was made possible through MVP [Manny V. Pangilinan],” pahayag ni Ateneo team manager Epok Quimpo.

Pinangunahan nina Ravena at Anton Asistio ang panalo sa itinala nilang tig-12 puntos.

-Marivic Awitan