JOS, Nigeria (AFP) – Nanawagan ng kahinahunan si Nigeria President Muhammadu Buhari nitong Linggo matapos na 86 na katao ang namatay sa pag-atake ng mga pinaghihinalaang nomadic herders laban sa mga komunidad ng magsasaka sa magulong sentro ng bansa.

Natuklasan ang malagim na pangyayari sa Barikin Ladi area ng Plateau state ilang araw matapos ang pag-atake ng ethnic Berom farmers sa Fulani herders nitong Huwebes.

Sinabi ni state police commissioner Undie Adie na sa pagsuyod nila sa Berom villages sa lugar matapos ang mga labanan nitong Sabado, natuklasan na ‘’86 persons altogether were killed’’. May anim pang katao ang nasugatan at 50 kabahayan ang sinunog.
Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'