Dalawang holdaper at 13 katao na umano’y adik ang dinakma ng sa magkakahiwalay na lugar sa Quezon City sa nakalipas na 24- oras.

Ang unang dalawang suspek sa sunud-sunod na holdapan sa lungsod ay kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) director, chief Supt. Joselito Esquivel, Jr., na sina Bryan Tercio, 20, ng Barangay E. Rodriguez, Quezon City; at Loujhin Torres, 29, ng Caloocan City.

Kapwa sila iniharap sa mga mamamahayag sa Masambong Police Station, matapos silang ireklamo ng dalawa nilang nabiktima na sina Camille Santos, ng Bgy. Ramon Magsaysay, Quezon City; at Joey Buenaventura, ng Bgy. Sto. Cristo, Quezon City.

Naghihimas ng rehas ang dalawa at nahaharap sa kasong paglabag sa City Ordiance No. 5121 (Possession of Bladed Weapon); at paglabag sa Republic Act 9516 (Illegal Possession of High Explosives and Ammunitions); at Republic Act 10591 (Illegal Possession of Firearm); at Republic Ac t 9165 (Comprehens ive Dangerous Drugs Act of 2002).

National

Amihan, ITCZ, patuloy na nakaaapekto sa malaking bahagi ng bansa – PAGASA

Naaresto rin sa nasabing operasyon ang 13 katao na sinasabing gumagamit ng ipinagbabawal na gamot sa Quezon City.

Inaresto ang mga suspek sa Bgy. Batasan Hills at Bgy. Damayang Lagi sa nabanggit na lungsod.

-Jun Fabon