Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kahapon ang pagsuko ng mahigit 20 miyembro ng Islamic State-linked Maute group sa Marawi City.

Ayon kay Joint Task Force Ranao Deputy Commander Col. Romeo Brawner, karamihan sa nagsisuko ay mula sa mga bayan ng Marantao at Piagapo.

Aniya, sumuko ang mga rebelde sa kasagsagan ng bakbakan ng militar at ng grupo ni Abu Dar sa mga bayan ng Pagayawan at Tubaran.

Kasabay nito, kinumpirma rin ni Brawner ang pag-aresto sa mga hinihinalang terorista na nakihalo sa mga residenteng nagsilikas at nagpanggap na evacuees.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Ayon pa kay Brawner, malaking tulong sa awtoridad na mismong mga residente ang nagtuturo sa mga hinihinalang terorista.

Kasalukuyang isinasailalim sa interogasyon ang mga inaresto.

-Fer Taboy