NAGBANAT ng katawan ang mga batang ateleta at daan-daang pulis sa 4th International Day of Yoga, na inorganisa ng India Embassy, sa Muntinlupa City nitong Linggo.

Ang yoga, na mula sa India, ay hindi lamang pagbabanat ng katawan at paglalabas ng toxins sa katawan sa pamamagitan ng pawis. Nakatutulong din ito para pakalmahin ang pag-iisip, at nakapagpapaganda ng postura at paghinga.

Suot ang loose-fitting na mga damit, nagpagulung-gulong ang mga partisipante sa mat at nagsagawa ng iba’t ibang yoga position sa session.

Ayon kay Police Officer 1 Michelle Moises, miyembro ng National Capital Region Police Office Fitness Team, nais niyang ipagpatuloy ang pagyo-yoga, makaraan niyang dumalo sa programang pinangunahan ng embassy.

National

Dela Rosa at Marcoleta, binisita si OVP Chief of Staff Zuleika Lopez sa ospital

“In our work, it’s very stressful, more so if you handle a number of cases. I want to continue it (yoga),” aniya.

“As a police officer or a policewoman, this is a big help, particularly in our field where you need to be physically fit. Yoga helps you balance your focus; it also heals your body and mind”.

Para naman sa 14–anyos na si Naomi Torrado, miyembro ng Muntinlupa Chess Team, perpektong side activity ang yoga dahil hindi lamang nito napabubuti ang pisikal na anyo, gayundin ang talas ng pag-iisip.

“I think yoga is good for us athletes, particularly us chess players, because we are using more of the mind. It exercises our body and mind,” sabi niya.

Ang mga session ay pinaghati-hati sa limang dibisyon: Yoga Protocol, Hatha Yoga, Kirtan Yoga, Ashtanga Yoga, Vinsaya at Kundalini Yoga, at Meditation.

Kilala ang yoga sa mga bansa sa Asya, ngunit binigyang-diin ni India Ambassador to the Philippines Jaideep Mazumdar na, “it has such universal benefits it is now practiced all over the world.”

Sa Pilipinas, umaasa pa rin siya na ang pagsasagawa ng yoga ay maipalalaganap sa bansa dahil ang Pilipinas at India ay may joint working group sa kalusugan at medisina.

“Filipinos, by nature, are very open to new things, they want to try or experience new things. Filipinos have really taken yoga in a big way as I can see and it can only grow from here,” saad ni Mazumdar.

“Last April, yoga and other forms of non-traditional health were discussed by the Department of Health and India, and how we can help the Philippines in this respect,” dagdag pa niya.

PNA