BRASÍLIA (AFP) – Ibinasura ng Supreme Court ng Brazil nitong Huwebes ang batas na ipinagbabawal ang pagkutya sa presidential candidates bago ang halalan sa Oktubre.

Sinuspinde na ang batas sa pamamagitan ng injunction, ngunit nagkaisa ang 11 Supreme Court justices na alisin ang ban.

Sa ilalim ng batas noong 2009, ilegal ang pagkutya sa mga kandidato sa telebisyon o radyo sa loob ng tatlong buwan bago ang eleksiyon.

‘’People who don’t want be caricatured stay home -- they don’t put themselves forward for political office,’’ diin ni Justice Alexandre de Moraes sa desisyon nitong Huwebes, tinawag ang batas na ‘’totally unconstitutional.’’
Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina