MASUSUBOK ang kakayahan ni super flyweight Alphoe Dagayloan sa pagsabak laban sa walang talong si Madiyar Zhanuzak ng Kazakhstan sa Hulyo 14 sa RCC Boxing Academy, Ekatarinburg, Russia.

Ito ang unang laban sa ibayong dagat ng 26-anyos at tubong Dilog City, Zamboanga del Norte na si Dagayloan kaya kailangang ipakita niya ang tikas ng kanyang mga kamao dahil mahirap manalo sa puntos sa Russia.

Dating amateur boxing champion ng Kazakhstan ang 23-anyos na si Zhanuzak na gustong sundan ang yapak ng kababayan niyang si No. 1 pound-for-pound boxer ng Ring Magazine na si undisputed middleweight champion Gennady Golovkin.

Sa kanyang huling laban, pinalasap ni Zhanuzak ng unang pagkatalo sa puntos ang taga-Ipil, Zamboanga del Sur na si flyweight John Mark Alimane noong Pebrero 28, 2018 sa Wynn Palace Cotai sa Macao, China.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

May rekord si Zhanuzak na perpektong 4 na panalo, 1 sa pamamagitan ng knockout, kumpara kay Dagayloan na may kartadang 9-2-5 na may 3 pagwawagi sa knockouts.

-Gilbert Espeña