Isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang napatay nang mauwi sa engkwentro ang buy-bust operation sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Sa police report, sinabi ni Station Drug Enforcement Unit chief, Senior Insp. Edwin Fuggan, ng Manila Police District (MPD)- Station 2, nagkasa sila ng buy-bust operation laban sa suspek na si Erik Villarico, alyas Mama, 43, ng 867 Varona Street, Tondo, sa Road 10, sa Tondo, dakong 1:30 ng madaling araw.

Pinaputukan umano ni Villasrico ang mga umaaresto sa kanya kaya napilitang makipagbarilan ang mga pulis.

Nakuha sa suspek ang anim na pakete ng umano’y shabu, isang kalibre .38 revolver, at isang asul na motorsiklo (NE 94210) na sinasabing ginamit nito sa pagtutulak ng ilegal na droga.

Eleksyon

Kabataan Party-list, itutulak pagpapatalsik kay VP Sara

-Mary Ann Santiago