Chess superstars sa ‘Battle of Legends’
MULING masisilayan ng chess fanatics sa buong mundo ang husay at talino ng dalawang pinakasikat na Chess Grandmasters – Eugene Torre ng Pilipinas at Anatoly Karpov ng Russia– sa gaganaping ‘Battle of Legends’ sa Hunyo 26 hanggang Hulyo 1 sa Platja D’ Aro sa Spain.
Ang “The legend” ay magsisilbing highlight sa week-long International Chess Festival “Vila de Platja D’ Aro. Kabilang din sa nagpapamalas ng husay sa Platja D’ Aro, isang seaside resort town sa Catalonia, sina GM Lujbomir Ljubojevic ng Yugoslavia at reigning world seniors champion Anatoly Vaisser.
Ang mananalo sa rapid play ay katumbas ng 2 points habang 1 point naman ang nakalaan sa magwawagi sa blitz. Ang manlalaro na makakakuha ng pinakamaraming puntos ang tatanghaling kampeon.
“I’m excited to play with Tolya (palayaw ni Karpov) again,” sambit ni Torre, bronze medalist sa board three sa nakalipas na Chess Olympiad sa Baku, Azerbaijan noong 2016.
Tangan ni Kasparov ang 4-2 bentahe kay Torre sa kanilang head-to-head duel sa nakalipas na limang dekada.
Ngunit, hindi malilimot ang itinuturing na kasaysayan sa Philippine Chess noong 1976 Marlboro-Loyola Kings Challenge kung saan nanguna si Torre sa four-man tournament na kinabibilangan ng noo’y world champion na si Karpov, Ljubomir Ljubojevic ng Yugoslavia at walter Browne ng United States.
Sa naturang torneo, tinalo ni Torre si Karpov upang tanghaling unang player na nakaungos sa Russian Grandmaster sa isang torneo mula nang tanghalin itong world champion.
‘Matagal na rin yun, pero yun ang itinututing kung treasure,” pahayag ng ngayo’y 66-anyos na si Torre.
Nakatakda umalis sa Hunyo 23 si Torre para makapaghanda ng maaga sa naturang torneo.
Tinanghal na unang Asian Grandmaster si Torre nang makamit ang silver medal sa Chess Olympiad sa Nice noong 1974.
Inaasahang mapapabilang muli si Torre sa Philippine Team na sasabak sa Olympiad sa Batumi, Georgia. Sa kanyang career sa Olympiad, naging Board 1 player si Torre sa nakalipas na 18 edisyon ng prestiyosong torneo.