Kinumpirma ng Philippine Consulate sa Jeddah nitong Martes na dalawang Pilipino ang namatay at tatlong iba pa ang nasugatan sa road accident sa Jizan City sa kanluran ng Saudi Arabia noong Huwebes.

Sa ulat, sinabi ni Consul General Edwin Badajos na mamimili sana ng pagkain ang mga Pinoy para sa pagdiriwang ng Eid il Ftr nang banggain ng SUV na minamaneho ng isang Saudi national ang kanilang sinasakyan.

Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang ayuda para sa repatriation ng mga labi ng dalawang nasawing Pinoy.

Samantala sa Canada, iniulat ng Philippine Consulate General sa Calgary ang pagkamatay ng isang mag-asawang Pinoy mula sa Lethbridge, Alberta, sa aksidente sa Queen Elizabeth II Highway noong Hunyo 10.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ayon kay Consul General Gilberto Asuque, nasugatan din sa aksidente ang tatlong anak ng mag-asawa na kasama sa sasakyan na bumangga sa poste ng overpass malapit sa Highway 27, may 110 kilometro ang layo mula sa Calgary.

-Roy C. Mabasa at Bella Gamotea