Mas nanaisin ni Pangulong Rodrigo Duterte na maidaos sa Pilipinas ang pagtalakay ng pamahalaan sa usapang-pangkapayapaan nito sa mga komunistang rebelde upang makatipid ang pamahalaan.

Paliwanag ni Presidential Spokesman Harry Roque, hindi na rin kakailanganin ng gobyerno ang tulong ng third-party facilitator kapag sa bansa isinagawa ang peace talks, dahil na rin sa kakayahan ng peace panel na pangasiwaan ang logistics concerns nito.

“The peace talks must be held here in the Philippines. Kaya nga po ang last declaration niya, it should be held here this July instead of this month,” sinabi ni Roque kahapon sa press conference sa Malacañang.

Hindi rin, aniya, maintindihan ng Pangulo kung bakit dapat pang isagawa ang pag-uusap sa Norway.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“Pare-pareho naman tayong Filipino, puwedeng pag-usapan dito na ‘yan sa Pilipinas, bakit kinakailangan lumayo pa. Gastos pa ‘yan, noh. Ang dami-daming ipapadala pa doon sa Norway,” ani Roque.

Mas makabubuti rin aniya kung gagastusin lamang sa pangangailangan ng mga komunistang rebelde ang pondong gugugulin sa negosasyon sa Norway, habang patuloy ang pag-uusap.

-Genalyn D. Kabiling