Inilunsad ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Coast Guard (PCG) ang hotline na maaaring pagsumbungan ng mga Pinoy na mangingisda sa Zambales, partikular sa Panatag Shoal o Scarborough Shoul sa Masinloc.

Ayon kay Lt. Col. Isagani Nato, tagapagsalita ng Northern Luzon Command, layunin ng hotline na agarang respondehan ang mga awtoridad sa mga sumbong ng mga Pilipinong nangingisda sa bahagi ng Scarborough Shoal.

Tiniyak naman ng PCG na maipararating sa mga kinauukulang ahensiya ang mga matatanggap nilang reklamo mula sa mga mangingisda.

Dagdag pa rito, handa rin umano ang militar at PCG na magbigay ng proteksiyon para sa seguridad ng mga mangingisda sa Zambales.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

-Beth Camia