KINAPOS si two-time world title challenger Warlito Parrenas ng Pilipinas nang araruhin ng suntok ng Hapones na si IBF No. 7 Ryoichi Funai kaya napatigil sa 8th round at natamo ang bakanteng WBO Asia Pacific super flyweight title nitong Hunyo 14 sa Korakuen Hall sa Tokyo, Japan.

“IBF#7 ex-national champ Ryoichi Funai, 114.75, withstood furious attacks of Japan-based Filipino Warlito Parrenas, 114.25, and finally acquired the vacant WBO Asia Pacific super-flyweight belt by scoring a come-from-behind knockout with a flurry of punches over the winning rival at 2:55 of the eighth round in a scheduled twelve,” ayon sa ulat ng Fightnews.com.

“Parrenas, who once had an unsuccessful WBO title shot against Naoya ‘Monster’ Inoue via second round stoppage in 2015, kept battering the stiff and slower Japanese and made him a bloody mess with his incessant assault,” dagdag sa ulat. “Bloodied around both optics, the gory but game Funai displayed a desperate retaliation in round eight, when he connected with smashing combos to the bewildered foe and badly dropped him for the count.”

Lamang na lamang sa score cards ng mga hurado si Parrenas sa mga iskor na 69-64, 67-66 at 67-66, bago napuruhan ng karibal nang paliguan ang Pinoy ng mga suntok sa mukha at bodega.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Napaganda ni Funai ang kanyang rekord sa 30 panalo, pitong talo na may 21 pagwawagi sa knockouts samantalang bumagsak ang kartada ni Parrenas sa 26-8-1 na may 23 panalo sa knockouts.

-Gilbert Espeña