MABIGYAN ng pagkakataon ang mas maraming player na matupad ang kanilang pangarap na makalaro sa big league ang nagtulak kay dating collegiate player Paolo Orbeta na makilahok sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) -- ngunit hindi bilang player kundi team owner.

IBINIDA nina team owner Paolo Orbeta at team manager Martin Arenas (kanan) ang jersey ng Makati Skyscrapers – pinakabagong expansion team sa MPBL – sa isinagawang media presentation nitong Biyernes sa Pavilion ng Dasmarinas Village, Makati City. Nasa larawan din si coach Cholo Villanueva (dulong kaliwa).

IBINIDA nina team owner Paolo Orbeta at team manager Martin Arenas (kanan) ang jersey ng Makati Skyscrapers – pinakabagong expansion team sa MPBL – sa isinagawang media presentation nitong Biyernes sa Pavilion ng Dasmarinas Village, Makati City. Nasa larawan din si coach Cholo Villanueva (dulong kaliwa).

“As a former collegiate player and an undrafted rookie sa big league, ramdam ko ang damdamin ng mga players na mawalan ng tsansa na makapagpatuloy sa kanilang caree after UAAP or NCAA and other collegiate league,” pahayag ni Orbeta.

“Sabi ko kung mabibigyan ako ng pagkakataon tutulungan ko sila, atleast makalaro sa isang liga na puwedeng maging stepping stone sa mas mataas na level ng basketball,” aniya.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sa ganitong hangarin natugunan ni Orbeta ang malasakit at sa tulong ng mga kaibigan na sina Paulo Pineda at Martin Arenas, binuno nila ang Makati Skyscrapers -- isa sa 10 expansion team na sasabak sa ikalawang conference ng MPBL.

“Atleast dito, tulong-tulong kami na maabot ang mga pangarap namin sa basketball,” pahayag ni Orbeta.

Kinuha nilang coach ang bata, ngunit beterano sa karanasan na si Cholo Villanueva bilang coach.

At sa loob ng isang buwan na tryouts, nakabuo si Villanueva ng koponan na palaban at defense-oriented.

“I call this team a run-and-gun squad which can run ang whole length of the court without sacrificing the defense.

Pangungunahan ang Skyscrapers nina dating Jose Rizal University shooter Mark Paniamogan at dating PBA player Mark Isip.

HIndi rin pinalad na ma-draft si Paniamogan sa 2014 PBA Draft, ngunit nagawang makalaro sa Kia franchise sa nakalipas na Philippine Cup. Tangan ang averages 11 puntos, dalawang assists at dalawang steals, hindi rin yumabong ang talento ng 27-anyos na pambato ng Cagayan de Oro at napilitang i-buy out ang nalalabing kontrata sa KIA.

“Nung inoffer sa akin to, di na ako nagdalawang isip pumirma. Yung edad ko, parang sakin gusto ko talaga maglaro. Sabi naman din nila na magagamit din nila ako so okay yun,” pahayag ni Paniamogan, patungkol sa alok ni Villanueva na nakasama na rin niya sa JRU tula dnina Jaycee Asuncion at Gio Lasquety.

“Naging madali na lang sakin, nung nagpapadraft ako, sila (Villanueva) ni coach Vergel yung nagmementor sa akin nung nasa JRU pa ako,” aniya.

Masusukat ang kahandaan ng Makati Skyscrapers sa kanilang debut laban sa Basilan sa Martes.