Ni REMY UMEREZ

NAPAKALAKING bahagi ng pelikula ang direktor, na karaniwan nang binubuntunan ng sisi kapag hindi kumita ang idinireheng pelikula. Maraming mahuhusay na direktor sa bansa, bagamat marami sa kanila ay considered underrated.

Isa na sa kanila si Direk Richard Somes.

Napansin si Direk Richard sa pelikulang Yanggaw, na tungkol sa mga vampires. Nagtamo ito ng awards sa 2008 CinemaOne Film Fest.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Ang “Lihim ng San Joaquin” episode sa Shake Rattle & Roll 2X5 ay idinirehe rin ni Direk Richard.

Hindi naman malilimot ni Alfred Vargas ang Supremo. Under the direction ni Direk Richard ang nasabing pelikula, na nagbigay kay Alfred ng Best Actor award.

Balik horror si Direk Richard sa Cry No Fear, ang una niyang proyekto para sa Viva Films. Hindi ito tungkol sa takot sa mga supernatural elements, kundi laban sa masasamang tao na isinusuka ng lipunan.

Pang-millennial ang tunog at dating ng pamagat ng pelikula, na tinatarget ng producer.

Samantala, inamin ng isa sa bida ng Cry No Fear na si Donnalyn Bartolome na sapul nang mapanood niya ang Corazon ay naging instant fan na siya ni Direk Richard. Kaya naman hindi niya inakalang isang araw ay ididirehe siya ng mahusay na direktor.   

Bida rin si Ella Cruz sa Cry No Fear, na showing na sa June 20.

Pagkatapos ng Cry No Fear, sisimulan na ni Direk Richard ang shooting ng action thriller na We Will Not Die Tonight.