Naghain kahapon ng petisyon ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) para sa dagdag-sahod sa pribadong sektor dahil kumbinsido sila na hindi sapat ang kasalukuyang daily minumum wage upang makapamuhay nang maayos ang isang pamilyang may limang miyembro.

Sa kanilang petisyon sa Regional Tripartite Wages and Productivity Board-National Capital Region (RTWPB-NCR), nais ng TUCP na magpatupad ang pamahalaan ng P320 across-the-board wage hike para sa mga manggagawa ng pribadong sektor sa Metro Manila.

“TUCP believes that a regional across-the-board wage increase of P320 is now needed in NCR because the existing P512 daily minimum wage is not enough for a household with at least five members to survive and to live a decent life,” paliwanag ni TUCP President Raymond Mendoza.

Una nang naghain sa Kongreso ng House Bill 7805 ang TUCP Party-list para gawing P320 ang idadagdag sa suweldo ng mga minumum wage earners sa buong rehiyon.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ginamit naman na dahilan ni TUCP Vice President Manuel Corral ang naging pahayag ni NEDA Secretary Ernesto Pernia na nagsasabing nangangailangan ng P42,000 kada buwan ang isang pamilyang may limang miyembro upang makapamuhay nang disente.

Kapag inaprubahan ang P320 umento, sinabi ng TUCP na magiging P832 na ang minimum na suweldo sa Metro Manila.

-Leslie Ann G. Aquino