LUMALABAS na isa sa mga rason ni Ellen Adarna sa request na i-re schedule ang hearing ng mga kasong isinampa laban sa kanya ng parents ni Eleila Santos ay dahil malapit na siyang manganak.

Ellen

Sa katunayan, si John Lloyd Cruz ang dumalo sa huling hearing para makiusap na i-reschedule ang pagdinig dahil nga sa kalagayan ng aktres.

Nabalita na this June manganganak si Ellen, at hindi nga naman maganda kung habang naghihintay siyang isilang ang panganay nila ni Lloydie ay dadalo pa siya sa hearing.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Pinagbigyan naman ang hiling ni Ellen, na ipinaabot ng kanyang abogado at ni John Lloyd.

Sa June 25 naka-schedule ang susunod na hearing sa tinatawag na “PAP” case, from the word “Paparazzi”. Matatandaang inakusahan ni Ellen si Eleila na “paparazzi” sa pagkuha umano ng video sa kanila ni John Lloyd habang kumakain sa isang restaurant.

Ibig bang sabihin, sakaling nakapanganak na siya sa nabanggit na petsa ay haharap na si Ellen sa hearing ng kanyang mga kaso?

-Nitz Miralles