Maaari nang i-check ng Grade 10 completers at incoming Grade 11 students na nag-apply para sa second batch ng Senior High School (SHS) Voucher Program (SHS-VP) ang mga resulta ng kanilang aplikasyon, inihayag ng Department of Education (DepEd) kahapon.

Inilabas ng DepEd kamakailan ang mga resulta ng Batch 2 ng SHS Voucher Program applications, kabilang ang mga aplikanteng may “reviewed, for further evaluation” status.

“All applicants who completed and submitted their applications from April 3 to 27 may now check the results and download their Qualified Voucher Applicants (QVA) certificates (formerly called Qualified Voucher Recipient (QVR) certificate) by logging in to their account on the Online Voucher Application Portal (OVAP) at http://ovap.deped.gov.ph/,” saad sa pahayag ng DepEd.

“The QVA certificates shall be submitted to the non-DepEd senior high school the QVA will enroll in,” ayon sa DepEd. “The voucher must be redeemed this coming school year 2018-2019,” ayon pa rito.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Sa budget na P14. 43 bilyon ngayong 2018, nilalayon ng DepEd na mabigyang ng subsidiya ang 1, 136, 240 VBPs sa pribadong SHSs at 86, 081 VBPs sa non-DepEd SHSs.

Samantala, pinaalalahanan ng DepEd ang Alternative Learning System (ALS) Accreditation and Equivalency (A&E) test at ang Philippine Educational Placement Test (PEPT) passers na nais mag- avail ng SHS VP na ang deadline sa pagsusumite ng manual applications ay hanggang sa Biyernes, Hunyo 15.

-Merlina Hernando-Malipot