SINGAPORE (AFP, Reuters) – Sinabi kahapon ni US President Donald Trump na sisimulan kaagad ang proseso ng denuclearization sa Korean peninsula sa pagtatapos ng makasaysayang summit nila ni North Korean leader Kim Jong Un sa Singapore.
Nilagdaan nina Trump at Kim ang “comprehensive” document nitong Martes para sa denuclearization ng Korean peninsula.
Wala pang inilabas na mga detalye sa nilalaman ng dokumento ngunit sinabi ni Trump na “very soon” sisimulan ang proseso ng denuclearization.
‘’We’re starting that process,’’ tugon ni Trump sa katanungan tungkol sa denuclearisation, idinagdag na magsisimula ito ‘’very quickly.’’
Batay sa litrato ng joint agreement na nakita ng AFP, muling nangako si Kim na kukumpletuhin ang ‘’denuclearization of Korean Peninsula’’.
Hindi binanggit sa text ang mga kahilingan ng US para sa ‘’complete, verifiable and irreversible denuclearization’’ -- jargon para sa pagbasura sa mga armas at pangakong mga inspeksiyon – ngunit muling binanggit ang vaguer commitment.
‘’We’ll meet again,’’ sinabi Trump matapos ang signing ceremony, habang nakatayo katabi ni Kim sa verandah kung saan sila unang nagkita. ‘’We will meet many times.’’
Kahit na nagkaroon ng breakthrough summit, simula pa lamang ito ng diplomatic process, na maaaring magbunga ng pangmatagalang pagbabago sa security landscape ng Northeast Asia, tulad ng pagbisita ni dating U.S. President Richard Nixon sa Beijing noong 1972 na nagbunga sa pagbabago ng China.
Bago ang paglalagda sa inilarawan ni Trump na “comprehensive letter”, sinabi ni Kim na ang dalawang lider ay nagkaroon ng makasaysayang pagpupulong “and decided to leave the past behind. The world will see a major change.”
Sinabi naman ni Trump na nakabuo siya ng “very special bond” kay Kim at mag-iiba na ang relasyon sa North Korea.
“People are going to be very impressed and people are going to be very happy and we are going to take care of a very dangerous problem for the world,” ani Trump.
Nang tanungin ng reporters kung iimbitahan niya ang North Korean leader sa Washington, sinabi ni Trump na: ‘’Absolutely, I would.’’