NASIKWAT ni International Master Joel Pimentel ng Bacolod City ang 1st San Nicolas College high school class 76 chess cup na isinagawa sa Pinoy Chess Club Online (PCConline) Chess Challenge facebook site kamakailan.

Si Pimentel, miyembro ng multi-titled Philippine Army chess team, ay nakaipon ng 6.0 puntos para makopo ang titulo at top prize P1,500 sa event na inorganisa ni Pinoy Chess Club Online Facilitator, Arbiter FNA Noel Morales kung saan nagsilbing punong abala si tournament director Joselito Rana sa 2 minutes bullet time control format.

Tumapos naman sa ika-2 puwesto si Fide Master Sander Severino matapos makalikom ng 5.0 puntos tungo sa pagsubi sa runner-up prize na P1,000.

Natanggap naman ni Timothy John So Kua ang P700 para sa third place prize na may 5 puntos.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nasa ika-4 puwesto naman si Vince Angelo Medina na may 4 puntos para sa fourth place prize na P500 habang naiuwi naman ni Woman Fide Master Cherry Ann Mejia ang P300 para sa top lady award.