Mahigit 100 distressed overseas Filipino workers (OFWs) mula Abu Dhabi, United Arab Emirates ang dumating kahapon ng umaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Bandang 9:32 ng umaga nang lumapag sa NAIA Terminal 2 ang naturang OFWs sakay ng isang flight ng Philippine Airlines.
Sinalubong sila ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, mga opisyal ng gobyerno mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at iba pang mga ahensiya.
Tumanggap ang bawat OFW ng P5,000 inisyal na tulong pinansyal mula sa OWWA.
Sa tala ng gobyerno, mayroon nang 600 OFWs mula sa Abu Dhabi ang napabalik sa bansa.
-Mina Navarro