Hindi naniniwala si Defense Secretary Delfin Lorenzana na nangungulelat ang Pilipinas sa mga pinakamapayapang bansa sa Asia-Pacific Region, na dinaig lamang ng North Korea.
Ito ang inihayag kahapon ni Lorenzana bago ang Bangsamoro Basic Law (BBL) consultations sa isang hotel sa Makati City.
Paliwanag ng kalihim, hindi niya lubos-maisip kung bakit inilagay ng Global Peace Index (GPI) ang Pilipinas sa ikalawa sa pinakamababa sa rehiyon sa nasabing listahan, sinabing kahit maglibot sa Pilipinas ay dama ang kapayapaan dito.
“I think they are using some parameter that are not present in the Philippines. Just becautse there is war on drugs the country is least peaceful? In fact a lot of people are saying that their lives are more peaceful now because of the war on drugs,” paglillinaw ni Lorenzana.
“I do not know how they came up with that. How could we be the least peaceful next only to North Korea. Maybe if you ask the North Koreans they will say that they are also peaceful because there are no killings there. So I don’t think their study is very conclusive. The methods is at most faulty,” giit ni Lorenzana.
Ibinunyag pa ng GPI na bumagsak ang level of peacefulness ng bansa ngayong taon, at inilagay ang bansa sa ika-137 sa 163 bansa sa mundo, at ika-18 naman sa 19 na bansa sa Asia Pacific, bago ang North Korea.
-Francis T. Wakefield