SINIRA big-time ni Presidential Communications Assistant Secretary Mocha Uson ang happy mood ni Kris Aquino habang nasa Japan ang huli kasama sina Joshua at Bimby para i-celebrate ang birthday ni Josh. Mabuti na lang at pagbalik nila from Japan, good mood na si Kris at masaya nilang ipinagdiwang ang birthday ng kanyang panganay dito sa bansa, Pinoy version naman.
Anyway, maraming pinaiyak si Kris sa IG Live niya nang hinamon niyang makipagkita nang personal sa kanya si Mocha.
“Tama na! Ako na lang, kayang-kaya ko, anytime, anywhere, name the place, name the location. Bring all your followers. I can stand alone. I am ready for you. This is a live challenge to you, face me. Wala akong inuurungan at ‘di kita uurungan,” sabi ni Kris.
“I’m ready for you, I don’t know if you are ready for me. Sabihin mo lahat ang gusto mo, but spare my parents. Hindi nila deserve ang kabastusan mi dahi binigay nila ang buhay nila para sa mga Pilipino. Kailangan mo talagang idamay ang mga patay na hindi makakalaban sa yo?”
In the end, pinasalamatan din ni Kris ang mga nagmamahal sa mga magulang niya at nagmamahal sa kanilang pamilya.
“Thank you for loving my parents. Thank you for the respect. I’m doing this because I love my mom. I love my dad. If I don’t do this, I’ll hate myself,” ani Kris
Sa latest post ni Kris sa Instagram (IG) ay nakipag-ugnayan siya kay Special Assistant to the President Bong Go.
“I took the courage to reach out to PRRD’s SA Bong Go (sorry sa initial post, nag-auto correct to Gong—although cute ‘yung Bong Gong)....thank you commissioner Aimee Neri for helping me reach him via text. I have known & liked him for 8 years. In this instance I am Ninoy Aquino’s daughter—he believed in the power of true & honest communication... SA Bong, thank you for taking my feelings as a daughter into consideration & showing EMPATHY. I am most grateful for a man as powerful as you are now for texting & vibering me the words ‘we are sorry for the incident’. You have my sincere gratitude. We all have 1 goal, a nation we can be proud of, and the best possible prosperous lives for all Filipinos. I love our country as much as our president does. I pray for #PEACE & mutual #respect for all of us. God bless you.”
May nag-comment naman na hindi talaga nag-sorry si Bong Go, kundi nag-empathize lang kay Kris. Sumagot si Kris: “You know I will take any form of I’m sorry. Because a SORRY is a SORRY. #thisisme.”
Sa nagtanong kay Kris kung ano ang mangyayari kay Mocha, “Sorry ha pero #carebears” ang sagot ni Kris.
Binisita namin ang IG ni Asec Mocha, pero disable ang comment box nito, kaya walang makapag-comment. Sana i-open niya ang comment box para malaman niya ang sentiments ng tao sa ginawa niya.
-Nitz Miralles