Inaksiyunan ng Kamara ang kabuuang 2,929 na panukalang-batas simula sa pagbubukas ng 17th Congress noong Hulyo 25, 2016 hanggang sa sine die adjournment nito nitong Sabado.

Sa pagtanggap ng puwesto bilang House Speaker noon, binigyang-diin ni Davao del Sur Rep. Pantaleon Alvarez na aaksiyunan ng mababang kapulungan ang lahat ng panukala at resolusyon na ihahain ng mga kongresista.

Isusulong, aniya, ng Kamara sa ilalim ng kanyang liderato ang tunay na pagbabago sa pamamagitan ng pagsasabatas ng mga mungkahi para sa kagalingan at kabutihan ng mga mamamayan.

Sa kabuuang183 session days ng 17th Congress, may average na 16 na panukala ang tinalakay sa bawat sesyon.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sa 2,929 measures na tinalakay o prinoseso, kabuuang 96 na ang naisabatas, at 30 ang may pambansang kahalagahan samantalang 60 ang may kahalagahang lokal, at dalawa ang Joint Resolutions of Congress.

Sa pagsisimula naman ng 17th Congress, kabuuang 9,826 na House measures ang inihain, aabot naman sa 7,826 ang naitalang House Bills at 2,000 ang House resolutions.

-Bert de Guzman