Halos 200 pulis, na sangkot sa iba’t ibang reklamo, ang sinampahan ng kasong kriminal at administratibo ngayong taon.
Ipinahayag ni Counter Intelligence Task Force (CITF) chief, Senior Romeo Caramat, Jr. na naitala nila ang nasabing bilang simula Enero hanggang Mayo ng kasalukuyang taon.
Sa nabanggit na bilang, aabot sa 74 ang naaresto, kabilang ang tatlong opisyal at 71 tauhan na may ranggong PO1 hanggang SPO4.
Nasa 82 naman ang sinampahan ng kaso sa hukuman at 38 ang ipinagharap ng kasong administratibo.
Tiniyak naman ni Caramat na magpapatupad sila ng “maximum tolerance” laban sa mga aarestuhin nilang tiwaling pulis sakaling manlaban ang mga ito.