KANO (AFP) – Mahigit 180 preso sa isang medium-security prison sa central Nigeria ang pinaghahanap matapos magpaulan ng bala sa pasilidad ang isang grupo ng mga hindi nakilalang armadong kalalakihan, sinabi ng gobyerno nitong Lunes.

Nangyari ang pag-atake nitong Linggo ng gabi sa kulungan sa Tunga area ng Minna, ang kabisera ng Niger. Nagapi ang mga guwardiya at nakapuga ang mga bilanggo.

‘’Out of the 210 inmates that escaped from prison custody, 28 have been re-arrested while 182 are still at large,’’ sinabi ni Nigeria interior minister Abdurrahman Dambazau sa mga mamamahayag.

Sinimulan na ang imbestigasyon ngunit hindi pa malinaw kung sino o ano ang nasa likod ng insidente.
Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'