COTABATO CITY – Nasa 15 katao, kabilang ang dalawang matanda, ang nasagip ng mga tauhan ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) quick response team mula sa baha dulot ng matinding buhos ng ulan, na labis na nakaapekto sa mga residente ng Sultan Mastura, Maguindanao nitong Biyernes ng gabi.

Bilang tugon sa tawag mula sa mga opisyal ng barangay, rumesponde ang mga miyembro ng ARMM’s Humanitarian Emergency Action Response Team (HEART) sa Barangay Tariken nitong Sabado, dakong 5:00 ng madaling araw. Nasagip ang anim na pamilya na naipit sa kani-kanilang bahay, sinabi ni team media liaison officer Myrna Jo Henry sa mga mamamahayag.

“They (rescued villagers) chanted praises to God while trained workers started taking and loading them one by one to our rubber boats,” sabi ni Henry.

-Ali G. Macabalang

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina