Pinangalanan ng Amnesty International (AI) si Senador Leila de Lima bilang ‘most distinguished human rights defender’ dahil sa kanyang walang maliw na pagtatanggol sa mga karapatang pantao at paglaban sa mga pang-aabuso sa ilalim ng war on drugs ng administrasyong Duterte.

Sinabi ni De Lima, sa kanyang tugon, na masaya siya at “deeply humbled” sa pagkikilalang ibinigay sa kanya ng AI para sa unang Ignite Awards for Human Rights.

“It is with great honor to receive this latest accolade as recognition for my unwavering stance on human rights despite my continued unjust detention and political persecution,” saad sa pahayag ni De Lima.

Tinalo ni De Lima ang apat pang nominado para sa Most Distinguished Human Rights Defender – Individual Category award, na kinabibilangan nina Sen. Risa Hontiveros, Ryan Silverio, Nymia Pimentel Simbulan at Leni Velasco-Bicol.

Tsika at Intriga

Negosyo, nalugi! Ken Chan, 'di raw tinatakbuhan isinampang kaso sa kaniya

-Hannah L. Torregoza