James at Cavaliers, balik sa NBA Finals

BOSTON (AP) — Hindi pa tapos ang tungkulin ni LeBron James sa Cleveland at sa pagkakataon na nakataya ang kanyang pangalan at sa sitwasyon na alanganin ang katayuan ng Cavaliers, pinatunayan ng four-time league MVP kung bakit siya tinaguriang ‘The King’.

UMIGPAW sa ere para sa two-handed dunk si LeBron James sa isa pang malupit na opensa para sa Cleveland. (AP)

UMIGPAW sa ere para sa two-handed dunk si LeBron James sa isa pang malupit na opensa para sa Cleveland. (AP)

Pagal man ang katawan sa all-around duty matapos ma-injury ang second scorer na si Kevin Love, hataw si James sa naiskor na 35 puntos, 15 rebounds at siyam na assists para sandigan ang Cleveland sa 87-79 panalo para sibakin ang liyamadong Boston Celtics sa Eastern Conference Game 7 nitong Linggo (Lunes sa Manila).

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sa kanyang career, umusad si James sa ikawalong sunond ng NBA Finals.

“He’s had a lot of gaudy games,” pahayag ni Cavaliers coach Tyronn Lue. “But I just think Game Seven, in Boston, all the circumstances that surround Boston, the history behind Boston ... to come here in a hostile environment: (it’s) right there.”

Sa kauna-unahang dikitang laban sa serye, pinakamababang iskor at unang panalo sa road game, naglaro si James sa kabuuang 48 minuto at umiskor ng 12 puntos sa fourth quarter para maitala ang ikaanim na sunod na panalo sa Game 7.

“Our goal going into the series was to make him exert as much energy as humanly possible and try to be as good as we can on everybody else,” sambit ni Celtics coach Brad Stevens. “For the most part, I thought we were pretty good at that ... but he still scored 35. It’s a joke.”

Para sa isang free agent na tulad ni James, tila nabasura ang lahat ng ispekulasyon para sa kanyang susunod na hakbang sa NBA career.

Ang tanging alalahanin ngayon ay kung sino ang makakalaro ng Cavaleirs sa NBA Finals.

Host ang Houston Rockets sa Game 7 duel laban sa defending champion Golden State Warriors sa Western Conference Finals.

Hataw si Jayson Tatum sa naiskor na 24 puntos, ngunit hindi sapat ang gilas ng 20-anyos na rookie sa giting ng beteranong si James. Nag-ambag si Al Horford ng 17 puntos at kumana si Marcus Morris ng 14 puntos at 12 rebounds para sa Celtics, tangan ang 10-0 karta sa home game ngayong postseason.

Naisalpak ni Tatum ang dunk sa harap ng depensa ni James at sinundan ng isang three pointer para kunin ng Celtics ang 72-71 bentahe may 6:41 sa laro.

Ngunit, tila nabato-balani ang Celtics sa sumunod na limang minuto kung saan naitarak ng Cavs ang 15-2 run para selyuhan ang panalo.

Mula noong 2011, laman ng NBA Finals si James – apat sa Miami Heat at ngayon sa kampo ng Cleveland.

Sa pagkakataong ito, maituturing mahina ang tropa ni James.

Sasagupa siya na wala si Kevin Love na nagtamo ng ‘concussion’ sa kaagahan ng Game Six at pinalitan ni Jeff Green sa starting line-up.

“We said we want to do this for Kevin,” sambit ni Lue.

“Kevin wanted to play, to be in a Game Seven situation like this in the Eastern Conference Finals, being an All- Star, being our second-best player, and he just wasn’t able to go. The guys picked him up, so now he has another chance when we get to the finals to be ready.”