Ni Gilbert Espeña

BUKOD sa all-Filipino world title bout nina IBF super flyweight champion Jerwin Ancajas at No. 1 mandatory challenger Jonas Sultan, isa pang Pilipino ang lalaban sa undercard sa Linggo sa Save Mart Arena, Fresno, California sa United States.

Kakasa ang minsan pa lamang natalong si John Vincent Moralde laban kay undefeated Ismail Muwendo ng Uganda sa 8-round na lightweight bout.

Tumimbang si Moralde na 132 pounds smantalang mas mabigay si Muwendo sa 132.6 pounds kaya tuloy ang kanilang sagupaan na ipambubungad ng ESPN.5 ngayong umaga.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ito ang ikalawang laban ni Moralde sa US makaraan siyang mapatigil ni world rated Tora Kahn Clary noong nakaraang Disyembre 1 sa Strand Ballroom and Theatre sa Providence, California.

Unang sumikat si Moralde noong Marso 15, 2015 nang talunin niya sa puntos si Aussie Brayd Smith sa Toowoomba, Queensland, Australia para matamo ang bakanteng WBC Asian Boxing Council Continental featherweight title.

Pumasok siya sa world rankings noon ngunit ikinalungkot niya na namatay si Smith pagkaraan ng laban.

Minsan lamang lumaban sa Uganda si Muwendo kaya nakabase na siya sa Minnesota sa US upang makapagtala ng perpektong rekord na 19 panalo, 12 sa pamamagitan ng knockouts.

May rekord si Moralde na 10 panalo, 1 talo na may 10 pagwawagi sa knockouts at umaasang tatalunin si Muwendo para makapasok sa world rankings.