CITY OF MALOLOS, Bulacan – Nalagutan ng hininga ang isang barangay kapitan, na kadadalo lamang sa paglilitis, makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Barangay Mojon sa lungsod na ito, nitong Biyernes ng hapon.

Kinilala ni Senior Supt. Chito G. Bersaluna, acting Bulacan police director, ang biktima na si Genaro Lopez, kapitan ng Barangay Labne sa bayan ng San Miguel dito.

Sa nakalap na impormasyon sa lugar, sinabi ni Bersaluna na naninigarilyo si Lopez sa tapat ng isang restaurant sa Bgy. Mojon nang sumulpot ang riding-in- tandem.

Ayon sa saksi, isa sa mga suspek ang bumaril sa biktima at tuluyang humarurot palayo sa pinangyarihan.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Base sa inisyal na imbestigasyon, dumalo ang biktima kasama ang kanyang misis, si Edna, sa court hearing sa RTC Branch 15 sa Malolos para sa kasong illegal possession of firearms.

Ayon kay Edna, nakatatanggap na sila ng banta sa buhay hinggil sa intensiyon ng biktima na tumakbo bilang pangulo ng association of village captain ng San Miguel. (Freddie C. Velez)