GABI-GABI ay lalong nagiging kaabang-abang ang primetime series na The Cure dahil sa maaaksiyong eksena. Sa isang interview kay Tom na gumaganap bilang Greg, ipinagmalaki niya na wala siyang double maging sa mahihirap na action scenes dahil enjoy siya sa ginagawa niya.

tom

Maingat naman daw siya at nagpapahinga kung kailangan bago mag-take para maayos na ma-execute ang stunts.

Samantala, dahil sa patuloy na pagkalat ng monkey virus disease ay parami nang parami ang infected at manganganib na ang Tent City. Inaabangan kung paano maililigtas nina Greg (Tom), Charity (Jennylyn Mercado), at Hope (Leanne Bautista) ang sarili nila. Tumutok lang sa The Cure pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.
Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?