AYAW abutan ng rainy season, tuluy-tuloy ang shooting ni Anne Curtis ng bagong pelikula niya sa Viva Films na Aurora sa direksiyon ni Yam Laranas.

ANNE copy

Nagsimula na silang mag-shooting noong Mayo 7, pero wala pang ibinibigay na detalye kung sinu-sino ang kasama ni Anne sa pelikula at kung may playdate na ba sila.

Nalaman ang tungkol sa shooting nila sa post ni Anne sa Instagram habang nasa Basco, Batanes sila:

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

“Woke up to the sound of the waves, ocean breeze in my hair, sun in my face and 9 million followers (ganoon na karami ang followers niya sa social media).

“Thank you to all of you for following my crazy life of love, work, fashion, passion, fangirling, dreaming big and paying it forward. Big kisses to all of ou! Even to you, who doesn’t likek but lurks and follows me for the heck of it. Thank you! Sending out light, love and laughter to everyone! #9milliANNE.”

At siyempre, dahil nasa napakagandang lugar sila ng Batanes na maraming beaches, hindi pinalampas ni Anne na hindi mag-post ng kanyang sexy pictures, lalo na nang mamasyal siya sa Fundacion Pacita, na ang caption niya, “Day off ni Inday” after ng weekend shoot nila.

Isa isa pa niyang post, aniya: “When you have a late call time and a gorgeous location...you take advantage of it. Stunning 8km run this morning #rollinghills

Bumaba lang ng Manila si Anne para sa promotion ng movie nila ni Dingdong Dantes na Sid & Aya: Not A Love Story na showing na sa May 30. Written and directed by Irene Villamor, produced ito ni Direk Joyce Bernal for Viva Entertainment and N2 Productions.

-NORA CALDERON